Healthcare utilization rate sa NCR, tumaas pa sa 35.6 percent

Umakyat na sa 35.6 porsyento ang COVID-19 healthcare utilization rate (HCUR) sa National Capital Region (NCR) hanggang nitong Hulyo 25.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, mas mataas ito kumpara sa naitalang 31.7 poryentong noong Hulyo 24.

Ang HCUR ay tumutukoy sa pinagsama-samang paggamit ng Intensive Care Units (ICU), isolation bed, at mechanical ventilator sa mga ospital.


Sinabi rin ni David na ang ICU utilization rate sa NCR ay bahagya ring tumaas sa 28 porsyento mula sa 27.3 porsyento nitong Hulyo 24.

Nangunguna sa may mataas na HCUR ang Muntinlupa na may 64.6 percent at Pasig na may 56.4 percent, na nasa moderate risk.

Nauna na ring tinukoy ng Department of Health (DOH) na posibleng tumaas ang hospital utilization rate sa bansa sa katapusan ng Agosto o sa unang linggo ng Setyembre dahil sa tumataas na COVID-19 infections.

Facebook Comments