Nagkakaroon ng pagtaas sa healthcare utilization rate sa gitna ng surge ng COVID-19 cases.
Ayon kay Health Undersecretary Francsico Duque III, tumataas ang healthcare utilization rate sa regional at provincial level kabilang ang highly urbanized at independent component cities.
Binigyang diin ni Duque na kailangang itaas ang bed capacity sa pampubliko at pribadong ospital.
Ang surge ng COVID-19 cases ay bunga ng iba’t ibang dahilan tulad ng hindi pagsunod sa minimum public health standards.
Kabilang din sa dahilan ng paglobo ng kaso ay ang kabiguang ma-detect ang mga aktibong kaso.
Bukod dito, isa rin sa dahilan ay ang presensya ng United Kingdom at South Africa variants.
Facebook Comments