Healthcare utilization sa NCR, bumaba pero hindi pa rin dapat magpakampante – DOH

Bumaba ang healthcare utilization rate sa Metro Manila sa mga nagdaang linggo.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH), 71% ng ICU beds sa Metro Manila ang okupado mula nitong April 26, habang 57% ng kabuoang 3,800 isolation beds ang ginagamit.

Nasa 64% ng 2,200 hospital ward beds sa NCR ang ginagamit, habang 58% ng ventilators ang ginagamit din.


Ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega, ang healthcare utilization rate sa National Capital Region (NCR) ay bumaba ng halos 65% mula sa 76% noong Marso.

Ang utilization rate ng Intensive Care Units (ICU) sa NCR ay bumaba ng 71-percent mula sa 79% noong Marso.

Pero nilinaw ni Vega na hindi pa rin maaring magpakampante dahil dapat matiyak na ang lahat ng healthcare facilities o institutions ay mayroong alokasyon para sa access ng COVID-19 patients.

Samantala, patuloy ang hiring ng pamahalaan ng karagdagang medical personnel para i-deploy sa mga hospital na puno na ng COVID-19 patients.

Facebook Comments