Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nananatili ang Healthcare Utilization Status ng bansa sa low-risk category
Ayon kay DOH OIC Usec. Maria Rosario Vergeire, patuloy rin na bumababa ang kaso ng COVID-19 infection sa Mindanao.
Consistent din aniya sa pagbaba ang bilang ng COVID patients na nasa severe at kritikal na kalagayan.
Mababa rin ang admissions sa Intensive Care Unit (ICU) gayundin sa severe at critical cases.
Nilinaw rin ni Vergeire na kaya lumalabas na mataas ang ICU bed utilization rates sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dahil konti lamang ang ICU beds sa rehiyon.
Nangangahulugan aniya na kapag okupado ang ICU beds doon, lalabas na puno ito ng critical COVID patients.
Facebook Comments