Sa nakatakdang pagpirma sa Memorandum of Agreement (MOA) ni Governor Ramon Guico III at ng Steri Plus Corporation, nakasaad dito ang implementasyon ng Healthcare Wastes Management ng labing-apat (14) na pampublikong ospital sa probinsya.
Isa kasi sa prayoridad ng pamahalaang panlalawigan ang pagpromote ng kalusugan, kaayusan at kaligtasan ng bawat Pangasinense.
Isa lamang sa mga hakbang nila ang pagkakaroon ng tamang pagkolekta at pagtatapon ng medical wastes para magkaroon ng malusog na pamumuhay ang bawat Pangasinense.
Ang MOA ay bunga ng isang resolusyon na inihain ni Sangguniang Panlalawigan Member Doc Jerry Rosario at naapruba sa Sangguniang Panlalawigan regular session noong February 6. |ifmnews
Facebook Comments