Healthcare workers, hinimok ng DOH na isumbong ang mga ospital na hindi nagbibigay ng mandatory testing sa mga empleyado

41
Photo Courtesy: DOH Facebook Page

Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang healthcare workers na isumbong ang mga ospital na hindi nagbibigay ng mandatory testing sa kanilang mga empleyado.

Ginawa ng DOH ang panawagan kasunod ng mga ulat na may ilang health workers ang hindi regular na naisasailalim sa COVID-19 testing.


Sa isang statement, iginiit ng DOH ang kanilang naunang memorandum na inilabas noon pang nakaraang taon hinggil sa mandatory testing ng mga empleyado ng pribado at pampublikong ospital.

Ayon sa DOH, kabilang din dito ang mga Temporary Treatment and Monitoring Facility at iba pang health facilities.

Nakasaad sa memorandum na dapat tiyakin ng mga nasabing health institution na mayroong testing services para sa lahat ng kanilang healthcare workers, may direkta mang exposure sa isang suspect, probable, o confirmed COVID-19 cases.

Prayoridad naman sa testing ang Health workers na may sintomas ng virus.



Maaari umanong tumawag sa DOH Hotline na 1555, o mag email sa DOH Complaints Handling Unit na dohpau.chu@gmail.com.


Facebook Comments