Nilinaw ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na maaaring umalis ng bansa ang mga Pilipinong healthcare workers na may kasalukuyang kontrata sa ibang bansa.
Ito ay sa harap ng ipinatutupad na 5,000 cap para sa deployment ng Filipino nurses sa abroad.
Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia, nakamit na ang naturang limit kaya hindi na magpapadala pa ng Pinoy nurses sa abroad ngayon taon dahil na rin sa COVID-19 pandemic.
Hindi na rin maglalabas ang POEA ng mga bagong Overseas Employment Certificate (OEC) sa Filipino healthcare workers sa ngayon.
Inirekomenda na ng POEA sa Inter-Agency Task Force (IATF) na dagdagan o itaas ang “cap” o bilang ng mga Filipino health worker na puwedeng payagang magtrabaho sa ibang bansa.
Facebook Comments