Healthcare workers, nananawagan sa gobyerno na itigil ang paglilipat ng sobrang pondo ng PhilHealth sa national budget

Nananawagan kay Finance Secretary Ralph Recto ang healthcare workers na binubuo ng 50 organisasyon para harangin ang desisyong paglipat ng halos ₱90-B pisong pondo ng PhilHealth sa national treasury.

Sa sulat na ipinadala ng healthcare workers kay Recto, iba ang PhilHealth sa mga Government Owned and Controlled Corporations (GOCC) dahil ang naturang pondo ay pag-aari ng mga pribadong miyembro.

Hindi nararapat bawiin ng gobyerno ang sobrang pondo ng PhilHealth dahil labag umano ito sa prinsipyo ng isang insurance system.


Ayon kay Dr. Antonio Dans, Convenor ng Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19, dapat protektahan ang budget ng PhilHealth para sa mga Pilipino.

Bukod sa mga hindi planadong alokasyon, hindi ginagamit ang pondo ng PhilHealth pang sweldo sa mga health workers kun’di dapat mula sa pondo ng Department of Health (DOH) lalo’t may mga pondo rin umano ang ahensiya na hindi nagagamit.

Facebook Comments