Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ang lahat ng Filipino healthcare workers na nakatakdang i-deploy sa bansang Israel ay ligtas sa kabila ng nangyayaring armed conflict doon.
Matatandaan na una nang sinabi ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na nasa 400 Filipino caregivers ang nakatakdang ipadala sa Israel sa ilalim ng Bilateral Labor Agreement ng Pilipinas at Israel.
Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia, ngayong buwan ay inaasahan na made-deploy ang mga Pinoy healthcare workers sa residential areas ng Israel na malayo sa mga lugar na may gulo.
Paliwanag ni Olalia na habang mino-monitor POEA ang kalagayan ng Overseas Filipino Workers (OFWs) ay naglabas din sila ng advisory sa Pinoy workers sa Israel na sumunod sa mga safety protocols na ipinapatupad ng Embahada para makaiwas sa mga hindi magagandang insidente.
Giit ng opisyal, sa oras aniya na makatanggap ang kanilang tanggapan ng report hinggil sa delikadong lagay ng Pinoy healthcare workers ay agad nila itong ibabalik sa bansa.