Nagbabala si Manila Mayor Isko Moreno sa mga healthcare workers sa Maynila na maaring masangkot sa hindi otorisadong pagtuturok ng bakuna kontra COVID.
Sinabi ni Moreno na mahaharap sa reklamong administatibo at kriminal ang mga healthcare workers o medical professionals na mangangasiwa ng vaccination ng mga produktong hindi pa naman sa rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA).
Sinabi ni Moreno na sa lungsod ng Maynila ay naninindigan sila sa panuntunan alinsunod sa national government pagdating sa mga hakbang na may kinalaman sa COVID-19.
Inamin naman ni Moreno na hindi pa nila naisasara ang isyu ng una nang napaulat na iligal na vaccination activity sa Binondo.
Facebook Comments