Nagningning ang talento at dedikasyon ng mga nurse, doktor, at hospital staff sa Pangasinan sa ginanap na “Broadway Christmas: The Hospital Showdown” noong Disyembre 15 sa Narciso Ramos Sports and Civic Center.
Lumahok sa kaganapan ang mga healthcare workers mula sa 14 na District Hospitals ng lalawigan na naghandog ng makukulay at masiglang pagtatanghal sa isang Broadway-themed Christmas showcase na pinangunahan ng Provincial Hospital Management Services Office (PHMSO).
Tinanghal na kampeon ang Dasol Community Hospital, sinundan ng Pangasinan Provincial Hospital bilang 1st Runner Up, at Urdaneta District Hospital bilang 2nd Runner Up.
Nagsilbi rin ang aktibidad bilang selebrasyon ng diwa ng Pasko, na nagbigay-diin sa pagkakaisa, pasasalamat, at kasiyahang ibinabahagi ng mga healthcare workers na patuloy na nagsisilbi sa komunidad ngayong Kapaskuhan.









