Mahalagang isaalang-alang ang kontrol sa pagkain ngayong kabilaan ang salo-salo bunsod ng kapaskuhan ayon sa Department of Health-Ilocos Center for Health Development.
Ilan sa mga dapat iwasan ay pagkain nang sobra-sobra na pasok sa tinatawag na 4M o Maaalat, Matatamis, Matataba at Mamantika.
Ayon sa health authorities, mainam na panat iliing balanse ang kinakain kasabay ng wastong ehersisyo na kalimitang tumatagal hanggang tatlumpung minuto para sa mga nakatatanda at isang oras naman sa mga kabataan.
Giit ng tanggapan, pairalin ang moderation sa lahat ng kinakain ngayong kapaskuhan at ugaliin ang healthy lifestyle para makaiwas sa anumang sakit.
Facebook Comments






