Inilunsad na kahapon Department of Health (DOH) ang “Healthy Pilipinas” website na magbibigay ng mahalaga at napapanahong impormasyon sa publiko, tungkol sa kalusugan.
Pangungunahan ito ng DOH sa pakikipagtulungan ng Pharmaceutical & Health Care Association of the Phillippines (PHAP) gayundin ng United States Agency for International Development (USAID).
Ang Healthy Pilipinas website ay konektado sa COVID-19 Resbakuna pages ng DOH website na naglalayong magkaroon ng unified information tungkol sa COVID pandemic at vaccination efforts ng pamahalaan.
Layunin din nitong magkaroon ng accurate at unified data platform, para sa health promotion information sa pamamagitan ng online.
Bukod sa publiko ay target audience din ng website ang mga healthcare worker, health advocates, medical association at medical schools.
Ang inilunsad na website ay maaaring i-access, sa pamamagitan ng pa-type ng: www.HealthyPilipinas.ph