‘HEARING ON MOCHA USON?’ | Secretary Andanar, binatikos ang hearing ng senado sa fake news

Manila, Philippines – Hindi nagustuhan ni Presidential Communications Secretary ang itinakbo ng hearing kahapon ng Senado patungkol sa fake news.

Matatandaan kahapon ay dumalo si Andanar sa pagdinig sa Senado kung saan napag-usapan ang ilang issue patungkol kay Communications Assistant Secretary Mocha Uson na sinasabing pinagmumulan din ng fake news.

Ayon kay Andanar, hindi dapat hearing o fake news ang naging pagdinig kahapon ng komite ni Senador Grace Poe kundi hearing on Mocha Uson.


Paliwanag ni Andanar, sa halos 5 oras ng pagdinig ay sumentro ang hearing sa pag-usisa sa personal blog ni Uson at hindi tungkol sa fake news na dapat na napagusapan.

Sinabi pa ni Andanar na hindi dapat husgahan ang kabuoan ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa blog ni Uson dahil wala namang kinalaman ang PCOO sa personal na ginagawa ng Assistant Secretary.

Facebook Comments