HEARSAY LANG? | Atty. Gadon, hindi dapat paniwalaan – Sen. Lacson

Manila, Philippines – Para kay Senator Panfilo Ping Lacson, hindi dapat masyadong paniwalaan ang mga sinasabi ni Atty. Lorenzo Gadon dahil ito ay triple hearsay o puro chismis lamang.

Ito ang tugon ni Lacson sa inihayag ni Gadon na may isang oligarch o malaki at maimpluwensyang negosyante ang planong magsuhol ng 200-million pesos sa mga senador.

Kapalit umano nito ang pagbasura sa impeachment case laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.


Diin ni Lacson, walang kumakausap sa kanya at sa iba pang senador tungkol sa impeachment kay Sereno.

Sa tingin ni Lacson, inilalagay sila ngayon sa alanganin ni Gadon para mapilitan silang patalsikin si Sereno.

Sabi ni Lacson, sa oras na makarating sa senado ang impeachment case ni Sereno ay ipapadetalye nila kay Gadon ang isiniwalat nitong panunuhol umano sa mga senador.

Facebook Comments