Heart Evangelista, emosyonal na ibinahagi ang pagkamatay ng inampong tuta

(Screenshot from Heart Evangelista YouTube video)

Hindi napigilang maging emosyonal ng Kapuso actress na si Heart Evangelista matapos nitong ibahagi online ang pagkamatay ng ampong tuta.

Ikinuwento ng aktres sa kanyang latest vlog na kalahating araw lamang ang pinagsamahan ng ampong tuta na si Linda nang mamatay ito dahil sa ilang komplikasyon.

Saad niya, nakagawian niya ang pag-aampon ngunit kakaiba raw si Linda dahil plano raw niyang kupkupin ito nang pangmatagalan.


Giit pa ng aktres, hindi raw siya sanay na magbahagi ng malulungkot na istorya sa mga vlogs dahil gusto lang niyang maghatid ng positive vibes sa kanyang viewers.

Sa kabila naman ng pagkawala ni Linda, masaya umano si Heart na nakapagbigay ng kaunting oras dito.

“Fostering is hard, but when I look back when I was with her for half a day, at least I was able to make her feel very loved,” saad niya.

“And despite the heartache, I do still very much support the idea of fostering. It’s just very very hard because she really was such an angel,” dagdag ng aktres.

Samantala, kilala si Heart na mahilig magtaguyod ng mga hayop lalo na sa panahon ng krisis.

Facebook Comments