Heart Evangelista, isinapubliko na ang masterpiece art na umabot ng dalawang taon bago natapos

45

Pormal nang isinapubliko ng aktres at beauty icon na si Heart Evangelista ang nakakamanghang disenyo ng painting nito, na umabot ng dalawang taon bago niya makumpleto.

Sa Instagram post ni Heart, makikita ang kaniyang masterpiece, kung saan tumabi pa siya rito na katibayang siya ang gumawa ng obra.


Suot naman ni Heart sa larawan ang pink chrysanthemum-like gown, kung saan may caption pa na ‘Painting has always been my escape’.

Matatandaang maliban sa pagiging aktres, isa ring style icon at influencer si Heart kung saan ilan sa kaniyang gamit sa pagpipinta ay ang bags, damit at gadgets.

Facebook Comments