Heart Evangelista, kasama raw sa cast ng isang hit reality show sa Amerika?

Malakas ngayon ang posibilidad na maging part ng Netflix’s “Bling Empire Season 2”, isang hit reality show sa Amerika ang Kapuso actress na si Heart Evangelista.

Ito ay matapos na mag-post ang aktres na ngayon ay nasa Amerika ng kanyang mga picture kasama ang cast ng nasabing reality show.

Ilan sa mga cast na kasama ni Heart sa kanyang Instagram ay sina Kane Lim at Kelly Mi Li, na lumabas sa Season 1.


Ang Bling Empire ay reality show na patungkol sa buhay ng mga “crazy rich” Asian-Americans sa Los Angeles na prinoduce ng Filipino-American na si Brandon Panaligan.

Facebook Comments