Heart Evangelista, napikon sa isang kliyente na nanloko sa isang Christmas lantern vendor

Napikon ang aktres na si Heart Evangelista sa isang kliyente matapos lokohin ang isang Christmas lantern vendor sa Maynila.

Nabatid na aabot sa P100,000 ang ipinagawang parol kay Tatay Lakay pero tinakbuhan at hindi siya binayaran ng kaniyang kliyente.

Matatandaang nag-viral sa social media ang litrato ni Tatay Lakay matapos na i-post ng isang netizen ang pangyayari na umabot ng 200,000 likes at 52,000 comments.


Nang mabalitaan ni Manila Mayor Isko Moreno ang nangyari kay Tatay Lakay ay agad niyang pinakyaw ang mga paninda nito.

Sa ngayon ay pinaghahanap na ng mga otoridad ang kliyenteng nanloko kay Tatay Lakay.

Facebook Comments