Heart Evangelista, napiling endorser ng isang kilalang brand sa Paris

101

Manila, Philippines – Tila unti-unti nang nakaka-recover si Heart Evangelista sa pinagdaanang miscarriage sa magiging panganay sana nila ni Senator Chiz Escudero.

Ito ay matapos ilabas na ng Sequoia Paris na si Heart ang bago nilang brand ambassador.

Ang Sequoia ay isa sa mga nangungunang French leather good brand na gumagawa ng mga bag.

Sa ngayon, wala pang formal launching, pero bumiyahe na umano si Heart sa Paris at sinasabing nag-pictorial.

Wala ding confirmation kay Heart kung representative lamang siya ng leather good brand o kung ano ang set-up nila.

Facebook Comments