Heart Evangelista, pinakita sa fans ang kaniyang walk-in closet

Image via Heart Evangelista @iamhearte on Instagram

Sa isang latest vlog sa youtube channel, ipinakita ni Heart Evangelista ang kaniyang collection ng bags at shoes sa kaniyang walk-in closet.

Kilalang fashionista, ipinasilip ni Heart sa kaniyang subscribers ang ‘most-requested’ vlog na matagal nang hinihintay ng fans.

Ipinakita niya ang massive shoe collection na sinabi niyang “accumulation of 21 years of collecting.” Makikita rito ang mga nude, black, at iba pang kulay na high heels ni Heart. Karamihan dito ay ang high-end brand na Christian Louboutin.


Ipinasilip din niya ang ‘ilan lamang’ sa kaniyang Hermes na bags.

Ang kaniyang walk-in closet ay may sariling balcony, living room, ootd corner at office space.

Sinabi rin ni Heart na ang lahat ng ito ay hindi nangyari overnight.

Facebook Comments