Heart Evangelista, pinipilit maka-move on matapos makunan

Manila, Philippines – Patuloy pa rin sinisikap ng actress na si Heart Evangelista namaka-move on agad matapos na makunan.

Mismong sa social media account ni Heart ipinaalam ang masamang balita kung saan sa ginawang pag-check-up ng kaniyang doctor ay nakita nilang tumigil na sa pagtibok ang puso ng bata na nasa kaniyang sinapupunan.

Bagamat sobrang kalungkutan ang nadarama ay pinipilit pa rin nilang makabangon agad sa masamang pangyayari.


Matatandaan na noong Mayo 17 ay ibinunyag nito na kambal ang pinagbubuntis niya subalit nawala na ang isa.

Facebook Comments