Dumating na sa bansa ang incorrupt heart ni St. Camillus, patron ng mga may sakit, doktor, nurse at iba pang health workers.
Alas 4:00 kahapon nang hapon nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang relic sakay ng eroplano ng Qatar Airways.
Nagsagawa ng welcome rites at veneration sa VIP lounge ng terminal 3 kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga empleyado ng Manila International Airport Authority (MIAA) na magsilayan ang heart relic.
Agad naman itong dinala sa Our Lady of La Paz Parish sa Makati City.
May pagkakataon ang mga Katoliko na masilayan ang relic sa iba’t ibang mga parokya sa buong bansa at ilang key hospitals sa Metro Manila hanggang sa March 31.
Si St. Camillus ay isang pari at miracle worker na gumamot at nag-alaga sa mga may sakit.
Itinatag niya ang ministers of the sick o ang camillians, isang religious congregation na ang layon ay pangalagaan ang mga may karamdaman.
Makikita ang schedule ng paglibot ng heart relic sa facebook page ng the camillians at sa twitter page ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).