HEAT INDEX NG PANGASINAN, PUMALO SA 43°C

Pumalo sa 43°C ang heat index na naitala ng otoridad sa lalawigan ng Pangasinan kahapon araw ng lunes, May 08, 2023.
Alinsunod dito ang mahigpit na pagpapaalala ng otoridad sa mga hakbangin at kahandaan na kinakailangang malaman bunsod ng epekto ng nararanasang mainit na panahon gaya na lamang ng pag-inom ng tubig upang maiwasan ang dehydration at iba pang mga sakit tulad ng heat exhaustion at heat stroke, gayundin ang mga pamprotekta sa ulan o init ng araw tulad ng payong.
Bagamat mainit ay nakararanas ngayon ang ilang bahagi ng Eastern at Western part ng Pangasinan ng pag-ulan dahil sa severe thunderstorm.
Samantala, pinapayuhan ang lahat na pag-igtingin ang paghahanda kaugnay sa nararanasang uri ng panahon.
Facebook Comments