HEAT INDEX SA DAGUPAN CITY PUMALO SA 47°C, PINAKAMATAAS NA NAITALA NGAYONG TAON

Muling nakapagtala ng mataas na heat index ang PAGASA sa Dagupan City kahapon, ika-25 ng Marso.

Sa tala, mula sa 43°C na heat index forecast, umabot sa 47°C ang naitalang actual heat index. Ito na ang pinakamataas na naitala ngayong taon.

Hanggang sa kasalukuyan, sa Dagupan City, Pangasinan pa rin nakakapagtala ang weather bureau ng kadalasang mataas na heat indices mula sa pagpasok ng buwan ng Marso.

Matatandaan na nauna nang inihayag ng awtoridad na aasahan pa ang mas maalinsangang lagay ng panahon sa mga susunod na araw sa pagsasaalang-alang ng iba’t-ibang weather system na maaaring makaapekto sa panahon.

Pinaalalahanan ang publiko na manatiling hydrated at huwag magbabad sa araw lalo na sa pagitan ng alas dyis ng umaga hanggang alas tres ng hapon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments