HEAT RELATED ILLNESS, NAITALA SA REGION 1

Nakapagtala ang DOH-CHD 1 ng isang kaso ng heat exhaustion sa rehiyon uno dahil sa patuloy na nararanasang mainit na panahon.
Ayon kay CHD 1 Spokesperson, Dr. Rheuel Bobis, hindi naman umano malubha ito gayundin ay hindi na kinakailangang ma-admit sa ospital.
Diumano, ang pasyente na hindi na tinukoy pa ay nakaramdam ng pagkahilo, sobrang pagpapawis, at pagsusuka dahil sa tindi ng init na agad namang na respondehan.

Dahil dito, patuloy ang panghihikayat ng health authorities na gumawa ng pag-iingat upang maibsan ang mainit na panahon.

Kahapon, pumalo sa 47 degrees celsius ang heat index sa lungsod ng Dagupan na nasa ilalim ng extreme danger category.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments