Heaven Peralejo, nagsalita na matapos madawit sa hiwalayan nina Kiko Estrada at Devon Seron

Pinasinungalingan ng aktres na si Heaven Peralejo ang mga akusasyon na siya ang dahilan ng kontrobersyal na hiwalayan nina Kiko Estrada at Devon Seron.

Aniya, hindi siya dapat dinadawit sa isyu ng dalawa at bansagang “third party.”

Say pa ng aktres, napakadali lang maugnay sa mga aktor na naka-eksena na niya sa trabaho.


Si Heaven at Kiko kasi ay magkasama ngayon sa isang teleserye pero hindi aniya sila romantically associated sa isa’t isa.

Hindi siya aniya mananahimik lang at hayaang akusahan siya ng mga bagay na hindi naman niya ginawa at hindi niya kailanman gagawin.

Matatandaan na naging trending kamakailan ang hiwalayan nina Kiko at Devon noong March 9 dahil sa cryptic post ni Devon.

Facebook Comments