CAUAYAN CITY – Ikinabit na sa mga heavy equipment at service vehicles ng Provincial Government of Cagayan (PGC) ang mga Global Positioning System o GPS Tracker.
Layunin ng hakbang na ito na masiguro na ang mga sasakyan ay ginagamit lamang sa mga opisyal na tungkulin.
Sa pahayag ni Provincial Engineer Kingston James Dela Cruz, gamit ang application na “Mobile App: Track Solid”, maaaring subaybayan ang ruta at destinasyon ng mga sasakyan.
Dagdag pa niya, tutunog ang alarm sa cellphone kung saan naka-install ang nabanggit na app kung mayroong nakalabas na sasakyan ng PGC sa lalawigan.
Ilan sa mga features ng tracker ay ang pagsubaybay sa konsumo ng gasolina, geofencing, overspeed alert, collision alert, at iba pa.
Sa ngayon, 28 units ng dump trucks, 2 units ng fuel tanker, 5 units ng light trucks, at 17 units ng service vehicle ang mayroon ng GPS tracker.