HEAVY METAL | FDA, nagbabala laban sa mga school supplies na mataas ang chemical content

Manila, Philippines – Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko laban sa pagbili at paggamit ng mga school supply products na natuklasan na nagtataglay ng mataas na antas ng heavy metal.

Napatunayan ng FDA na naglalaman ng hindi katanggap-tanggap na antas ng heavy metal tulad ng lead, cadmium at mercury, ang mga sumusunod na school supply products;

12 in 1 Pencil
Fairyland® 16 Crayons
Leeho® Glitter Fabric Paint Pens


Ayon sa pag-aaral na inilathala ng U.S. Consumer Product Safety Commission (CPSC),may masamang epekto sa kalusugan ng mga bata ang matagal na lead exposure, maaaring magkaroon ng matagal at permanenteng epekto.

Sa ulat ng CPSC ang pangunahing epekto ng long term exposure o pagkakalantad mula sa inhalation at oral exposures ng cadmium at cadmium compounds ay chronic obstructive pulmonary diseases at emphysema, at chronic renal tubular diseases.

Bukod pa ang neurological damage, delayed mental at physical development, attention and learning deficiencies, neurocognitive deficits, at problema sa pandinig.

Ang mga bata, dahil sa kanilang pisikal at musmos na pangkaisipan ay itinuturing bilang high-risk population. Ang kanilang hand-to-mouth behavior, gayun din ang kanilang likas na pagkamausisa, inilalagay kadalasan ang mga bagay sa kanilang bibig na nagreresulta sa hindi sinasadya na pagkakalantad sa maraming mapanganib na sangkap na maaaring nilalaman sa naturang mga bagay.

Dahil dito, upang maprotektahan ang mga bata mula sa mga unnecessary hazard o panganib, ang mga magulang, guro ng paaralan at tagapag-alaga ay pinapayuhan na mahigpit na subaybayan ang mga bata lalo na kapag sila ay nakikibahagi sa mga aktibidad kung saan kinakailangan ang adult supervision.

Gayundin, dahil ang mga hindi rehistradong produktong ito ay hindi dumaan sa proseso ng pagsusuri at pageeksamin ng FDA, hindi masisiguro ng ahensya ang kalidad at kaligtasan ng mga ito.

Facebook Comments