Hinatulang guilty ng Pasig RTC Branch 261 si Hector Janjalani, ang kapatid ng napatay na Abu Sayyaf leader Khaddafy Janjalani.
May kaugnayan ito sa kanyang kasong kidnapping and serious illegal detention hinggil sa pagdukot sa 52 mga guro at mga estudyante sa basilan labing walong taon na ang nakakalipas.
Reclusion perpetua o apatnapung taong pagkakakulong ang hatol ng korte kay Janjalani.
Hinatulan din ng guilty si Daud Baru na isa ring ASG member.
Pinagbabayad naman ng halagang 180 million pesos ang mga akusado bilang danyos sa 52 dinukot nila.
Magugunitang nitong Disyembre, hinatulan din ng korte ang mahigit 60 myembro ng ASG sa kaparehong kaso kasama na sina Kadafy Janjalani at Abu Sabaya na parehong napatay sa operasyon ng militar.
Si Hector Janjalani ay nakakulong ngayon sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.