Heherson Alvarez, Umatras ng Kandidatura!

Cauayan City, Isabela – Umatras na sa kanyang kandidatura bilang kongresista ng ika-apat na distrito ng Isabela ang dating Senador at Cabinet Secretary Heherson Alvarez dahil sa umano’y talamak at lantarang pagbili ng boto ng ilan sa kanyang mga katunggali.

Sa naging panayam ng 98.5 RMN Cauayan kay Ginang Cecille Alvarez, kanyang sinabi na dismayado siya makaraang magwithdraw ang kanyang asawa sa pagkakongresista.

Ayon pa kay Ginang Alvarez, hindi ibig sabihin na pagsuko ng kanyang maybahay ang ginawang pag-atras nito sa kanyang kandidatura bilang kinatawan sana sa ika-apat na distrito bagkus ay pagpapakita ng pagnanais nito na sana ay magkaroon ng malinis, malaya, tahimik na halalan at pakikibaka para sa demokrasya.


Paglalarawan pa ni Ginang Alvarez na ang “vote buying” ay isang social cancer na patuloy na sisira sa demokrasya ng bansa.

Nagpasaring din si Ginang Alvarez sa katunggali ng dating senador sa pagkakongresista na si Atty. Gigi Aggabao dahil sa kaliwa’t kanang pagbili ng boto.

Dagdag pa ni Ginang Alvarez, ang koneksyon ng mag asawang Aggabao sa kilalang Pork Barrel Queen na si Janet Napoles at maanomalyang “Road Users Tax” project ni Atty. Aggabao.

Nagbigay naman ng mensahe ang ginang sa katunggali ng dating senador na itigil na ang pagsiwalat ng “fake news” at iginiit nito na hindi bayaran ang kanyang asawa.

Facebook Comments