Height advantage, mas kailangan ng Raptors para makabawi kontra Warriors

Mas kailangan ngayon ng Toronto Raptors ang height advantage ng kanilang mga players kagaya ni Marc Gasol para makabawi kontra Golden State Warriors sa nagpapatuloy na NBA Finals.

Batay sa Filipino sports analyst na si Fred Lumba, maaaring gamitin ng Raptors ang pagtira sa low post para ma-foul out ang ilan sa mga big men ng Warriors.

Una nang sinabi ni Lumba na kinailangang maka steal ng kahit isang laro ang Raptors para makabalik sa momentum.


Abangan mamayang alas nuwebe ng umaga ang game 3 ng NBA Finals na gaganapin sa home court ng Warriors sa Oracle Arena sa Oakland, California.

Facebook Comments