Heightened alert, idedeklara ng NCRPO sa Martes bilang paghahanda sa Undas

Nakatakdang magdeklara na heightened alert ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Martes, October 29.

Ito ay bilang paghahanda sa paggunita ng Undas.

Ayon kay NCRPO Chief Brig. Gen. Debold Sinas, nasa 3,640 mga pulis ang ipapakalat nila sa 118 sementeryo sa buong Metro Manila.


Maglalagay rin sila ng mga police assistant desk sa mga terminal lalo na sa Cubao at Kamuning na pinakadinadagsa ng mga uuwi sa kani-kanilang probinsya.

Magtatagal aniya ang deployment sa mga terminal hanggang sa makabalik sila sa Maynila.

Wala namang natatanggap na banta sa seguridad sa Undas ang NCRPO kaugnay ng Undas.

Pero giit ni Sinas, hindi ito nangangahulugan na magpapabaya sila sa pagbabantay.

Si NCRPO Chief Brig. Gen. Debold Sinas sa exclusive interview ng RMN Manila.

Facebook Comments