Nakaalerto na ang Philippine National Police (PNP) para sa inaasahang dagsa ng mga deboto sa pagsisimula ng taunang Simbang Gabi.
Inatasan na rin ni PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil ang lahat ng istasyon ng pulisya sa bansa na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan, opisyal ng simbahan at iba pang kaukulang organisasyon para mapaigting ang seguridad ng publiko.
Magtatalaga naman ng Police Assistance Desks (PADs) malapit sa mga simbahan upang umalalay sa mga residente, habang tututukan din ng mga awtoridad ang mga lugar na mainit sa krimen.
Pinapayuhan din ang mga deboto na manatiling alerto at siguruhing ligtas ang kanilang mga personal na gamit mula sa mga kawatan.
Facebook Comments