Heightened alert, ipinatupad ng NCRPO kasunod ng mga insidente ng pagpapasabog sa Mindanao

Naka-heightened alert na ngayon ang National Capital Region Police Office (NCRPO) matapos ang mga naitalang insidente ng pagsabog sa Mindanao.

Ayon kay NCRPO Regional Director Maj. Gen. Felipe Natividad, ipinag-utos na niya ang karagdagang police visibility sa buong Kamaynilaan kasunod na rin ng pagpapasabog sa bus at isang bus terminal noong nakaraang linggo sa South Cotabato at Sultan Kudarat.

Una nang sinabi ni Philippine National Police (PNP) Officer-In-Charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr. na posibleng extortion o pangingikil ang motibo ng mga suspek na target ang kompanya ng bus.


Kasunod nito, sinabi ni Danao na hindi dapat ma-alarma at magpanic ang publiko at sa halip ay manatiling alerto at magsumbong kung may makikita silang taong kahina-hinala ang ikinikilos.

Facebook Comments