Heightened alert sa lahat ng distrito ng PCG, nakataas na kasunod ng Marawi bombing incident

Isinailalim na ng Philippine Coast Guard (PCG) sa heightened ang lahat ng distrito nito kasunod ng pagbomba sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City kahapon.

Ayon kay CG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, ito ay para sa proactive measure sa nangyaring insidente.

Kabilang dito ang pagpapaigting ng intel, pre-departure inspection ng mga barko, K9 inspection, sea marshals, at coastal security patrols.


Mahigpit ding makikipag-ugnayan ang PCG sa operasyon ng mga port authorities, shipping operators, LGUs, Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcement agencies.

Dagdag pa ni Gavan, titiyakin nila ang na maibibigay pa rin serbisyo publiko sa gitna ng hindi katanggap-tanggap na pagpapasabog sa MSU upang masiguro ang kaligtasan ng mga manlalakbay sa dagat at maritime industry.

Facebook Comments