HEIGHTENED ALERT SA MGA PUNONG BARANGAY SA SAN JUAN, LA UNION, IPINATUPAD

Ipinatupad ng lokal na pamahalaan ng San Juan, La Union ang heightened alert status sa lahat ng punong barangay at miyembro ng Municipal Disaster Risk and Reduction Management Councils.

 

Sa ilalim nito, kinakailangang magsumite ng report at dokumentasyon ang mga tanggapan kada anim na oras sa lahat ng ikinakasang paghahanda at hakbang sa bagyong Emong at umiiral na habagat.

 

Ang hakbang ay alinsunod sa isang memorandum mula sa Department of Interior and Local Government upang matiyak na may aktibong koordinasyon at epektibong paggalaw ng sa mga resources.

 

Samantala, nananatili naman sa full alert status ang ilang bayan sa La Union sa banta ng mga binabantayang bagyo. Nauna na ring inihayag ang kahandaan ng mga rescue mobiles para sa mga operasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments