SOUTH COTABATO – Nakaheightened alert status pa rin ang buong South Cotabato dahil sa nagpapatuloy na kilos protesta ng mga magsasaka at mga miyembro ng militanteng grupo mula sa iba’t-ibang bahagi ng Rehiyon-12.Ayon kay South Cotabato Gov. Daisy Avance-Fuentes, inatasan na nito ang mga kapulisan na siguruhing ligtas at mapayapa ang nasabing kilos-protesta.Nasa 800 raliyesta ang nananatili ngayon sa harapan ng Department of Agriculture (DA) Region-12 sa Regional Center sa Barangay Carpenter Hill.Giit naman ni Fuentes – hindi nila pipigilan ang kilos protesta at tiniyak nito na hindi na mauulit ang madugong dispersal sa Kidapawan City kung saan nasawi ang tatlong magsasaka habang marami naman ang sugatan.Tatagal aniya ng limang araw ang kilos protestang nananawagan ng bigas para sa mga magsasakang labis na naapektuhan ng tag-tuyot.Dagdag pa ni Fuentes, 95 porsyento sa nasabing mga raliyesta ay hindi taga-South Cotabato.
Heightened Alert Status – Nananatili Sa Buong South Cotabato Dahil Sa Nagpapatuloy Na Kilos Protesta Ng Mga Magsasaka At
Facebook Comments