Heli bucket operation, isinagawa ng PAF sa nangyaring sunog sa Sucat, Parañaque kahapon

Ginamit ng Philippine Air Force (PAF) ang kanilang Super Huey aircraft para magsagawa ng heli bucket operation sa nangyaring sunog sa Sucat, Parañaque madaling araw ng February 6,2023.

Ayon kay PAF Chief Public Affairs Office Col. Ma Consuelo Castillo, tinulungan ng kanilang aircraft ang mga bumbero upang mapatay ang sunog.

Aniya, ilang beses nagkasa ng heli bucket operations ang kanilang aircraft hanggang sa maapula ang sunog.


Binigyang diin pa ni Col. Castillo na sa oras ng emergency o sakuna, nakahanda ang mga tauhan at assets ng PAF upang tumulong sa ating mga kababayan base narin sa kanilang sinumpaang tungkulin.

Matatandaang sa nasabing sunog na tumupok sa warehouse ng mga kahoy sa Dr. A. Santos Avenue, Barangay San Antonio Sucat, Parañaque ay umabot ang sunog sa Task Force Bravo kung saan halos P20 million ang iniwan nitong pinsala.

Samantala, wala namang iniulat na nasawi o nasugatan sa nasabing insidente.

Facebook Comments