Heli bucket operations ng PAF, nagpapatuloy para apulahin ang forest fire sa Benguet at Ilocos Norte

Courtesy: Philippine Air Force

Nagpapatuloy ang serye ng heli bucket operations ng Philippine Air Force (PAF) para tumulong sa pag-apula ng forest fire sa kabundukan ng Benguet.

Ayon kay PAF Public Affairs Office Chief Col. Ma. Consuleo Castillo, gamit ang kanilang Bell-205 helicopter, pilit na pinapatay ng kanilang mga kawani ang apoy sa bundok upang hindi na ito kumalat.

Partikular na isinagawa ang operasyon sa Sajatan, Bokod, Karao at Banao.


Bukod sa Benguet, nag-deploy rin ng helicopter ang PAF para sa kahalintulad na operasyon para sa pag-apula ng forest fire sa Solsona-Apayao Mountain Range sa Ilocos, Norte.

Patuloy ang mahigpit na koordinasyon ng PAF sa Civil Defense Cordillera, Bureau of Fire Protection at iba pang tanggapan para sa fire-suppression strategies sa kabundukan.

Facebook Comments