Helicopter na maghahatid ng pusong gagamitin sa isang transplant operation, nag-crash; 7 sugatan

(Picture: Alamy)

Pansamantalang ikinansela ang isang heart transplant operation sa Japan nang mag-crash ang isang police helicopter na maghahatid sana ng pusong gagamitin sa University of Tokyo Hospital nitong Sabado, Pebrero 1.

Sakay ng helicopter ang 2 medical workers at 5 police officers na noo’y nanggaling sa ospital ng Aizuwakamatsu at patungo sana ng Tokyo nang mangyari ang insidente.

(Picture: Alamy)

Ayon sa ulat, bumiyahe bandang alas 8:00am ang helicopter nang mag-crash sa Shimomoriya district.

Nagtamo ng pinsala ang mga sakay nito kung saan lubhang nasaktan ang isang medical worker at tatlong pulis.

Base sa report ng regional rescue association, nakatanggap daw sila ng emergency call bandang alas 8:10am kaya agad na nakarisponde sa lugar.

Wala namang  naiulat na iba pang napinsala sa lugar.

Samantala, ang heart transplant operation ay kinakailangan umanong maisagawa sa loob lamang ng apat na oras, kapag lumagpas na ay hindi na maaaring mapakinabangan pa ang pusong gagamitin sa operasyon.

Facebook Comments