Maguindanao – Pinagbabaril ng hinihinalang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang helicopter na sinasakyan ni Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu.
Ayon kay Senior Superintendent Agustin Tello, Provincial Police Director ng Maguindanao, papunta sana sina Mangudadatu kasama ang kanyang kapatid na si Mayor Freddie at pilotong si Dennis Figueroa sa Camp Sionco sa Datu Odin nang pagbabarilin sila.
Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente habang tinamaan ng bala ang kanang bintana ng aircraft na nakaparada sa headquarters ng 6th ID Philippine Army sa bayan ng Datu Odin Sinsuat.
Nabatid na ang Datu Salibo, Maguindanao ay kilalang balwarte ng BIFF.
Facebook Comments