Tumulong na rin ang Sokol Helicopter ng Philippine Air Force (PAF) sa isinasagawang search and rescue operations sa nawawalang medevac chopper ng Philippine Adventist Missionary Aviations Services (PAMAS).
Maliban dito, tatlong barko din ng Philippine Navy at isang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na BRP Malabrigo ang nagsasagawa ng search and rescue operations upang makita ang nawawalang chopper.
Maging ang BRP Jose Rizal ay kasalukuyang ginagalugad ang karagatang sakop ng Balabac, Palawan kung saan hinihinalang bumagsak ang chopper na tinaguriang “yellow bee.”
Matatandaang kahapon ay agad ring nagsagawa ng aerial search ang fixed wing aircraft ng PAMAS matapos na hindi na ito makatanggap ng komonikasyon mula sa naturang chopper.
Agad rin silang nakipag ugnayan sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng bayan ng Brooke’s Point at Balabac para tumulong narin sa paghahanap sa missing chopper.
Kahapon nang umalis ang yellow bee upang mag-airlift sana ng pasyente patungo sa ospital sa Booke’s Point subalit hindi ito nakarating ng ligtas kung saan lulan nito ang 4 na katao.