Nag-aalok ang isang tech startup ng ride-sharing service sa pamamagitan ng kanilang helicopters.
Ito ay bilang mapaikli ang mahabang oras na pagko-commute sa Metro Manila.
Ang Ascent Urban Air Mobility ay nag-aalok ng flights at ang mga pasahero ay maaaring mag-book ng helicopter seats sa pamamagitan ng kanilang website.
Ihahatid ito sa kanilang destinasyon tulad ng NAIA, central business districts sa Makati, Taguig at Quezon City, maging ang regional locations nito sa Clark at Tagaytay.
Sa halagang ₱7,000 magiging tatlong minuto na lamang ang biyahe ng pasahero mula Makati patungong Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig.
Mula NAIA patungong BGC, ay nasa 8,900 pesos ang pamasahe pero makakarating agad ng 10-minuto.
Kapag pupunta ng airport pero manggagaling pa ng Quezon City, ang 15-minute chopper ride ay nagkakahalaga ng 10,900 pesos.
Ayon kay Ascent CEO Lionel Sinai-Sinelnikoff – nag-aalok din sila ng luggage transport, on-ground guest assistance, airport transfers, shuttle services at corporate packages.
Plano ng Ascent na palawakin ang sakop nito sa bansa, kabilang ang mga pangunahing siyudad sa Visayas at Mindanao.
Matatandaang ang Transport Network Vehicle Services (TNVS) na Grab at Uber ay nag-aalok ng kaperahas na serbisyo dati pero itinigil din nila ito.