‘Hello, Love, Goodbye’ kumita ng P34 M sa unang araw; nanguna sa mga local film ng 2019

Photo by Star Cinema

Kumita ng P34 million sa unang araw ang pelikulang “Hello, Love, Goodbye” na pinagtambalan sa unang pagkakataon ni Kathryn Bernardo at Alden Richards, sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.

Inanunsyo ng Star Cinema, Huwebes, na kumita ang pelikula ng P34,457,618.41, na kinumpirma ng Facebook post ng Philippine Box Office.

Ayon pa sa PBO, ito ang pinakamalaki sa lahat ng mga lokal na pelikulang ipinalabas ngayong taon.


“‘Di mabilang na pasasalamat po sa inyong lahat na sumama sa kwento ng buhay nina Joy at Ethan at ng ating milyung milyong kababayang OFW #HelloLoveTHANKYOUPo,” pahayag ng Star Cinema sa Instagram.

Umiikot ang romantic-drama na ito sa buhay ng overseas Filipino workers na sina “Ethan” (Richards) at “Joy” (Bernardo).

Dagdag ng PBO, posibleng umabot sa tumataginting na P200 million ang kabuuang kita ng pelikula sa unang linggo nito.

Mapapanood sa higit 350 sinehan sa buong bansa ang pelikula.

Facebook Comments