‘Hello, NBI?’ Angel Locsin pinagbantaan, pinaratangang NPA supporter ng 2 netizen

3215
Instagram/@therealangellocsin

Tinawag ni Angel Locsin ang pansin ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos makabasa ng paratang at pagbabanta sa kanyang buhay mula sa dalawang netizen.

Sa Instagram nitong Miyerkules, ipinakita ng aktres ang mga screenshot, kung saan ang unang netizen ay nag-alok ng P200 milyon na pabuya sa sinumang papatay sa kanya at sa kapwa Kapamilya stars na sina Kim Chiu at Coco Martin.


“Isa ba kayo sa mga supporter ni Pangulong Duterte? Pwes, I will give you 200-million sa sinumang mga Duterte at GMA supporters ang makakapatay kina Kim Chiu, Coco Marin, and Angel Locsin. Makakasama nyo ang NPA para pasabugin ang ABS-CBN Compound,” sabi ng Twitter user na @AbellanosaNj.

View this post on Instagram

Hello, NBI? Beke nemen po…😅

A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

Habang ang isa pang netizen ay inakusahan naman si Locsin na taga-suporta ng New People’s Army (NPA).

“Angel Locsin is NPA supporter, kaya hindi dapat paniwalaan sinasabi ng babaeng ‘yan,” saad nito.




Tugon dito ng aktres sa post, “Hello, NBI? Beke nemen po…”

Nitong buwan, matatandaang isang guro sa Zambales ang dinakip ng NBI matapos mag-post ng P50 milyon umano na pabuya kapalit ng buhay ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinundan ito ng pagkaka-aresto ng isang construction worker sa Aklan sa parehong dahilan, at ang pinakabago ay isang businessman sa Agusan del Norte na tumawag umano kay Duterte na “buang”.

Facebook Comments