Inilunsad ngayon ng pamahalaan, ang isang help desk sa Lebanon na apektado ng mass protests sa buong Lebanon.
Ang nasabing hakbang ay sa gitna ng tensyon sa labanan sa hangganan ng Israel at Hamas militants.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), ang itinatag ng gobyerno ng Pilipinas na help desk ay sa pamamagitan ng tulong ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Malaki umanong tulong ang help desk para sa pag-update at tulong sa mga overseas Filipinos na apektado ng mass protests sa buong Lebanon.
Sa mga Pilipinong nangangailangan ng tulong ay maaaring makipag-ugnayan sa DMW at 24/7 Task Force Lebanon help desk ng DMW at OWWA.
Sa ngayon, ay mayroong humigit-kumulang 2,700 na Pilipino ang nasa Southern Lebanon.
Facebook Comments