Helper, Arestado sa Pagnanakaw ng Krudo

90

Cauayan City, Isabela- Timbog ang isang lalaki dahil sa pagnanakaw nito ng diesel sa isang truck na nakaparada sa bahagi ng Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Nakilala ang suspek na si Ariel Malikdem, 19 taong gulang, binata, helper, at residente ng brgy. Minante 1, Cauayan City, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan sa Cauayan City Police Station, isang traysikel drayber ang nakapansin sa kahina-hinalang galaw ng suspek dahil sa pangunguha nito ng krudo mula sa tangke ng isang truck na nakaparada sa gilid ng kalsada malapit sa barangay hall ng San Fermin.

Agad namang nagsumbong ang traysikel driver sa mga nagpapatrolyang tanod sa lugar na tinugunan din ng mga ito.

Naharang din ng mga rumespondeng Tanod ang suspek na sumakay ng traysikel na dala ang dalawang (2) container na naglalaman ng krudo.

Dinala ng dalawang Tanod sa barangay hall ang suspek kasama ang dalawang gallon ng krudo at kalauna’y kinilala ng biktimang si Josephine Gomez, 55 taong gulang, negosyante, walang asawa, residente rin ng brgy San Fermin na helper nito ang nahuling suspek.



Ipinasakamay sa himpilan ng pulisya ang suspek kasama ang dalawang punong container ng diesel para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.


Facebook Comments