Helper, Arestado sa Pagnanakaw ng Mais!

80

*Cauayan City, Isabela- *Arestado ang isang manggagawa matapos matiklo sa pagnanakaw ng mais pasado alas dose kaninang madaling araw sa Brgy. Guayabal, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Ricky Gatson, 27 anyos, binata, helper, residente ng Christine Village, Brgy. District 1, Cauayan City, Isabela habang ang pinagnakawan nito ay si Alberto Labuguen, 49 anyos, may-asawa, magsasaka at residente naman ng Brgy. Guayabal, Cauayan City, Isabela.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Cauayan City, nagtungo sa Brgy. Baringin Norte, Cauayan City ang tatlong lalaki na sina John Carlo Labuguen, George Talosig at John Trinidad upang suriin ang mga ikinamadang sako ng mais na pagmamay-ari ng biktima.


Nang makarating sa lugar ang tatlong lalaki ay nakita ang isang tricycle ng suspek na may kargang mais at nang makita ng mga ito ang laman ng tricycle ay biglang pinaandar ng suspek ang tricycle patungong Brgy Guayabal.

Agad namang hinabol ni Jhon Carlo Labuguen ang suspek na nagresulta sa pagkakadakip nito sa naturang barangay at nakumpiska mula sa kanyang pag-iingat ang apat na sako ng mais.

Inihahanda na ng PNP Cauayan City ang kasong Theft na isasampa laban sa suspek.



Facebook Comments