Helper Bumangga sa Trailer Truck, Patay

22

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang helper makaraang masalpok nito ang kaliwang bumper na bahagi ng trailer truck na may plakang CAK 4703 bandang 11:20 kagabi sa pambansang lansangan ng Brgy. Bantug, Roxas, Isabela.

Kinilala ang nasawing biktima na si Roberto Repalda, 39-anyos at residente ng Brgy. San Rafael habang sa nasabing bayan habang ang suspek ay nakilalang si Mark Jhon Tamayo, 29-anyos at residente ng Mabuttal West, Ballesteros, Cagayan.


Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, binabagtas ni Repalda ang hilagang bahagi ng daan ng umagaw ito ng linya at aksidenteng sumalpok ito sa truck na minamaneho ni Tamayo.

Nagtamo ng matinding sugat sa ulo ang biktima na agad isinugod sa pagamutan subalit idineklara itong dead on arrival ng sumuring doktor.

Inaalam naman ang halaga ng pinsala ng mga sasakyan habang ang suspek na si Tamayo ay nasa kostudiya ng ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.


Facebook Comments